Welcome to Gaia! :: View User's Journal | Gaia Journals

 
 

View User's Journal

berbertgaia
nice and easy!
Mga Liha sa Isang Mangko ng Lucky ME
Mga Luha sa Isang Mangko ng Lucky Me

Tirik na ang araw nang ako ay nagising sa aking mahimbing na pagkakatulog. Napuyat kasi ako sa katititig kay itay habang kumakain sa mesa kagabi. Humihingal siya at parang pagod na pagod. Mag-aalauna na rin noon ng umaga nang napagpasiyahan kong matulog. Sa paghawi ko ng kurtinang butas-butas at nababalutan ng alikabok, nakita ko si itay na pinapalitan ang langis ng kanyang lumang dyipni.


Sa edad na labing-anim, nabuntis na ng tatay ang aking inay kaya wala silang ibang pagpipilian kundi ang magtanan at magpakasal gaya nung mga napapanood sa mga teleserye. Lumuwas sila mula sa sitio ng San Pedro upang magtungo sa kalakhang Maynila. Kaya ngayon, mahirap kami at nagsisiksikan sa aming madilim na bahay na gawa sa yero. Nababalot din ng kadiliman ang paligid dahil sa mahaba at malaking tulay na pumapaibabaw sa mga kabahayan.

“Hoy, Kokoy! Bastardong bata 'to! Tumayo ka na diyan at magtatrabaho pa ako!” sigaw ng maldita kong ina. “Opo, inay...”sagot ko naman sa kanya.

Wala na akong nagawa nung oras na iyon kundi ang sumunod at magsimulang magbanat ng buto. Mahal na mahal ko kasi ang aking mga magulang. Naaalala ko pa ang sandali nang tinanong ko si nanay tungkol sa kanyang hanapbuhay.

“Nay, saan po ba kayo nagtatrabaho? Malayo po ba 'yon? Mataas ba ang nakukuha ninyo riyang sweldo?”

“Wala ka nang pakialam! Basta pinapakain kita, magtrabaho ka at umiwas sa sakit!” sigaw ng nanay.

Lubos naman akong nagpapasalamat sa isang pakete ng Lucky Me at isang takal ng NFA na bigas. AT kahit gustuhin kong humingi ng mas masarap na ulam, alam ko namang sisigawan lang nila ako at sesermonan.

Umalis na si nanay dala-dala ang kanyang malaking bag. Nagpunta naman ako sa mesa at binungkalan ang kalderong nababalot sa uling. Tulad ng dati, Lucky Me pa rin ang ulam. Nagsimula na akong kumain.

“Shoo-Shoo!”

Napasigaw ako habang binubugaw ang mga langaw na umaaligid sa aking mangko.

“Ano ba yan? Ano na naman ang inaangal mo?”

“Wala po, itay. Mga langaw lang...”

“Ganun ba? Aalis na ako. 'Di ka ba sasama?”

“Sasama po. Teka lang.”

Mabilis kong niligpit ang aking pinagkainan at sumakay sa unahang upuan ng dyip ni itay. Pinaandar niya ang makina at umarangkada na ang sasakyan. Maraming sumakay na pasahero at tuwang-tuwa naman ako. Mas maraming pasahero, mas maraming pera.

“Dalawa po. Sa may Quiapo! “ sigaw ng isang pasahero.

Tanghaling tapat na nang dumaan kami sa isang karenderia sa may Baclaran. Hinugot ni itay ang isang kahon ng Marlboro Lights at sinimulang hithitin ang isang piraso nito. Nanlilimahid na siya sa init at walang tigil siyang pinagpapawisan. Ikinuha niya ako ng isang takal ng kanin at isang mangko ng sabaw ng nilagang baka. Tuwang-tuwa na naman ako dahil nagkataong hindi NFA ang kinakain kong kanin. Anim na piso lang ang kanyang binayaran at kumayod ulit kami.

“Maggagabi na pala.” pansin ko sa paligid.

“Tanga! Wala ka bang mga mata?” nakapang-iinsultong sagot ni itay.

“Patawad po. Pwede po bang magtanong?”

“Ano? Pagkain? Walang pera!”

“'Di po 'yun. Ahm..Ano po ba ang trabaho ng nanay?”

“Masahista siya sa isang pagawaan ng porselana. Tiba-tiba tayo 'pag umuwi na si Rosita! Hahaha!”

Humalakhak nang humalakhak ang itay na para bang sinapian ng demonyo kapag naiisip niyang uuwi si inay na dala ang kanyang kita. Sa tingin ko kasi, pareho naman sila ng nanay—mapaghangad sa pera. Pero kahit ganoon, minamahal ko pa rin sila.

Dumaan ang aming dyip sa isang plasa nang aking nasilayan ang mga dalagang ayos na ayos sa tabi nito. Nakasuot sila ng mga maiikling saplot at nakamake-up pa. Tila inaakit nila ang mga taxi driver na nagmamaneho sa may kalsada.

“Itay, ano po ba ang ginagawa nila?”

“Iyan? Hehehe...mga babae 'yan na nagdadala ng kaligayahan sa mga tao...hehehe”

“Talaga? Parang 'yung nasa circus?”

“Loko 'tong batang 'to ah. Basta 'yun na 'yun!”

Alam ko naman na sila'y mga prostitute at sinusubukan ko lamang si itay ngunit itinigil niya ang dyip at pinababa ako.

“Bakit niyo ba ako pinababa?” aking tanong sa kanya.

“May dadaanan pa ako. H'wag ka nang makialam pa!” pasigwa niyang sagot sa akin, para bang may tinatago.

Umalis na ang itay ngunit siya'y sinundan ko. Pumara ako ng taxi at kasam ng aming pag-alis ay ang pag-andar ng metro nito. Malayo-layo na rin ang aking narating nang naalala kong wala pala akong pera. Tiniyempuhan ko ang traffic at mabilis kong binuksan ang pintuan. Natakasan ko ang drayber at kumaripas ako ng takbo. Hinabol ko ang dyip ni itay. Pumarada ito sa isang restawran at inakala kong may part-time job lang siya roon.

“Napakabait pala ng itay. Hinusgahan ko siya nang walang basehan. Patawad po.” aking bulong sa sarili.

Sa paglabas niya, kasama niya ang isang lalaking may mahabang buhok at nakasuot pa ng napakaikling shorts. Ilang saglit pa ay naghalikan sila at parang gustong-gusto naman ito ni itay. Sa tabi ng pintuan, mababasa ang mga salitang “For Happiness: Please Inquire Inside.” Sa mga aksyon na kanyang ipinapakita, napagtanto kong gabi-gabi pala siyang galing dito. Kaya pala lagi siyang pagod. Hindi ko inaasahang makikipagrelasyon siya sa taong kapareho niya ng kasarian. Akala ko pa naman ay prostitute tulad nung nakaraang araw, yun pala ay callboy. Pugad pala ng callboy ang lugar na iyon. Naglabasan sa pintuan ang napakaraming pares ng lalaki at binabae dahil tila magsasara na ito. Agad akong tumakbo pauwi at dumating akong hingal na hingal.

“Hoy! Saan ka galing! Bakit pawis na pawis ka? Nasaan ba si David, ang magaling mong ama?” salubong na sermon ng aking nanay.

“Ahm...nagpaiwan po siya. May gagawin pa raw. Kaba maya-maya pa dumating. Mukhang may pinagkakaabalahan pa.” sagot ko naman a kanya.

“Ganun ba? Sige. Kumain ka. Medyo marami akong kinita. Bumili ako ng champorado dyan sa tindahan ng pamangkin ni Dita. Kainin mo 'yan dahil kung hindi, magkakasakit ka na naman! Kung hindi lang kita kadugo, matagal na kitang itinapon sa tulay!”

Napakasakit noon ng aking kalooban. Parang pinasukan ng isang libo't isang Gillette Blade ang aking puso. Hindi na lang ako umimik at pumunta sa aming kusina. Kumain ako at pagkatapos ay naglatag ng banig. Ilang minuto pa lang akong natutulog nang narinig ko ang harurot ng dyipni ni itay. Natulog ako nang may luha sa aking mga mata.

Nang sumunod na araw, nagising ako dahil sa nakaririnding tunog na nanggagaling sa telebisyon ng kapitbahay habang nanonood ng kanilang paboritong noontime show. Tandang-tanda ko pa na ipinatutugtog ang mga kanta ni Willi Revillame tulad ng “Sayaw Darling” at kung anu-ano pa. Tanghali na pala at umalis na rin ang itay at inay. Tanging isang gusot na bente ang naiwan sa ibabaw ng mesa. Akin itong kinuha at plano kong gamitin upang pumunta sa pinagtatrabahuhan ng inay. Nais ko kasing makita ang kanyang kalagayan sa kabila ng kanyang mga sinabi sa akin kagabi. Agad kong pinuntahan si Aling Dita upang kunin ang address ng pabrika ng porselana.

“Aling Dita, nariyan ba kayo? Ako po ito, si Kokoy. May itatanong lang po sana...”


“Ikaw pala iyan. Ano ang maipaglilingkod ko sa iyo, aking apo?” sagot naman ni Aling Dita habang inaalis ang mga bula ng sabon sa kanyang mga braso.

“Pwede po bang makuha ang address ng pinagtatrabahuhan ni inay? Nakalimutan ko po kasi. Alam niyo namang makitid ang kokote ko.”

“Sige. Teka lang...”

Ibinigay niya sa akin ang address at pumara ako ng tricycle. Pagdating ko sa pabrika, “Wow! Ang laki pala! Pero baka hindi ako papasukin ng mga gwardiya.” Wala akong nagawa kundi ang pumasok sa isang manhole at lumabas ako sa bodega nito.

Binuksan ko nang kaunti ang pintuan upang tingnan kung may tao. Sa aking pagsilip, nakita ko ang isang lalaking may malaking katawan at tsinitong mga mata na nakikipagkilitian sa isang may edad na babae. Nasiguro kong iyon ang aking inay dahil sa Louis Vuitton na bag na nasa tabi niya. Gaya ng nangyari dati, tumakbo ulit ako papalayo. Bumalik ako sa bahay at nagmukmok sa sulok.

Umuwi si inay at nakita niya akong nagmumukmok sa sulok na para bang na-taruma gaya nung mga napapanood sa mga pelikula. Galit na galit siya dahil nagmamaktol lang daw ako. Gamit ang kalawanging yero na galing sa aming bubong, tinusok niya ang aking mga mata at hiniwa-hiwa ang aking balat. Wala na akong nagawa. Naisip kong sasagipin ako ni itay sa kanyang pag-uwi.

Bumusina ang dyip ni itay. Nariyan na pala siya. Lumaki ang aking paghangad sa pag-asang makaligtas. Niligpit ko ang mga basahang babad sa aking dugo at gumapang sa paanan ni itay. Kanya rin akong tinadyakan. Ginapos nila ako at binusalan. Tinulungan si inay ng lalaking nakasama niya sa pabrika . Nakilala ko ang kanilang boses at naalala ko rin ang aking mga nakita nung oras ng kanilang paglalampungan. Umalis si inay at narinig ko ang usapan ng kasama niyang lalaki at ni itay.

“Gusto mo ng pera? Easy-money lang, o. Isang daan para sa isang oras.” sabi ng itay.

“Ano bang gagawin?” galak na sagot ng gahamang lalaki.

“Bigyan mo lang ako ng kaligayahan.”


Hindi ko man makita, akin ring naririnig ang ungol ng dalawa. Dumating si inay at nakita ang ginagawa ni itay. Nakarinig ako ng sunod-sunod na sapak at pagmumurahan. Gumapang muli ako at dumaan sa siwang ng sahig. Nahulog sa tubig ang aking kawawang katawan at nawalan ako ng malay. Naramdaman ko ang madulas na pakiramdam ng pagdampi ng mga dahon ng waterlily sa aking balat at aking naaamoy ang mabahong mga basurang lumulutang kasama ko. Wala akong kaide-ideya kung nasaan na akong lupalop ng mundo at tagos ang lamig ng gabi hanggang sa aking mga buto.

Natagpuan ang aking katawan sa isang lambat ng mga mangingisda kasama ang mga naglalakihang tilapia. Dahan-dahan nilang hinila ang lambat patungong pang-pang at nang nadiskubre nila ang aking katawan, pinaghati-hati nila ito at binalot sa isang itim na trashbag nang walang ipinapakitang pagkaawa. Nakarinig pa ako noon ng mga pagsabog sa tubig na para bang mga dinamita bago malagutan ng hininga.

Kakaiba ang aking naging burol—pinaglamayan ng mga tilapya, trak ng basura ang naging karo at Smokey Mountain ang libingan. Kinabukasan, ako na ang laman ng mga pahayagan.

Samantala, habang nagmamaneho si itay sa kahabaan ng EDSA, narinig niya ang usapan ng kanyang mga pasahero.

“Nabalitaan mo na ba 'yung batang pinatay sa hiwa? Nahukay kasi nung mga pulubi sa tambakan.” sabi ng isang pasahero.

“Talaga? Paano kaya 'yun napunta doon?” tanong naman ng pangalawa.

Nagmamadali siyang pumasada at umuwi sa bahay. Ibinalita niya ito kay inay at natakot silang mahuli. Kaya nung kinagabihan, nag-imapake sila at nagbalak na pumunta sa Kalibo, Aklan kung saan nakatira ang aming mga kapamilya. Nang walang anu-ano, nagkaroon ng lindol na may Intensity 6 at gumuho ang kanilang bahay na gawa sa yero kasama ng tulay. Sinapit nila ang kapalarang sinapit ng kanilang anak . Nadurog sila ng mga guho ng tulay kasama ng mga kalawanging yero ng bahay. Nahirapan nang hanapin ang kanilang mga bangkay dahil sa laki ng mga bato at lalim ng ilog.

Tuluyang nabaon ang kanilang katawan kasama ng kanilang mga kaluluwa sa mapait na higanti ng hustisya.





 
 
Manage Your Items
Other Stuff
Get GCash
Offers
Get Items
More Items
Where Everyone Hangs Out
Other Community Areas
Virtual Spaces
Fun Stuff
Gaia's Games
Mini-Games
Play with GCash
Play with Platinum